Mapuputing kamay, malasutla't lambot,
kung hinahawi mo itong aking buhok,
ang lahat ng aking dalita sa loob
ay nalilimot ko nang lubos na lubos.
At parang bulaklak na nangakabuka
ang iyong daliring talulot ng ganda,
kung nasasalat ko, O butihing sinta,
parang ang bulakiak kahalikan ko na.
|
Tila ahas na nagmula
sa himpilang kanyang lungga,
ang galamay at palikpik, pawang bakal, tanso, tingga,
ang kaliskis, lapitan mo't mga bukas na bintana.
Ang rail na lalakara'y
nakabalatay sa daan,
umaaso ang bunganga at maingay na maingay,
sa Tutuban magmumula't patutungo sa Dagupan. |
Oh! Kaawa-awang buhay ko sa iba
Mula at sapol ay gumiliw-giliw na,
Nguni't magpangayon ang wakas ay di pa
Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa.
Ano't ang ganti mong pagbayad sa akin,
Ang ako'y umasa't panasa-nasain,
At inilagak mong sabing nahabilin,
Sa langit ang awa saka ko na hintin!
|
Hindi ko matalos kung ang aking puso'y.
Magbabagong tan sa pagkasiphayo,
Ako'y naririto't ikaw ay malayo.
Na animo'y buwang sa aki'y nagtago.
Inaasahan ko ng~ buong pag-asa.
Na ikaw sa aki'y sadyang lumimot na,
Kung magkakagayo'y iyong makikita.
Ang maputlang bangkay sa gitna ng~ dusa. |
Ang puso ni ina'y kaban ng paglingap,
May dalawang tibok na karapat-dapat,
Ang isa'y kay ama, kay amang mapalad.
At ang isa nama'y sa amin nalagak.
Noong nabubuhay ang ina kong irog.
Ang kanyang pagkasi'y samyo ng kampupot,
Ang lakas ng puso'y parang nag-uutos.
Na ako, kaylan ma'y huwag matatakot... |
Sa aking kamusmusang.
balot ng kalungkutang iniwanan ni Itay,
sa mulat kong paningi'y.
naiwanan ang latay na naumang kay Inay;
labing-anim na matang.
ipinauunawa'y lantay na pagmamahal,
ang kanyang kinapiling sa pakikipaghamok sa kinaparoonan! |
Nagising nga akong tila nangangarap na isang anino
sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha ng tao
sa pagkakawalay sa isang magulang ay waring natuto
nahawi ang ulap na nagbigay silim sa kanyang talino.
|
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
|
Mahal mo ba ako?
Oo, mahal kita.
Mahal na mahal kita.
Mahal mo rin ba ako?
Mahal din kita.
Mahal na mahal din kita.
Mahal mo ba talaga ako?
Paniwalaan mo ako.
Ikaw ang mahal ko.
|
Kung ikaw Panulat ay di magagamit
kundi sa paghamak sa Bayang may hapis
manong mabakli ka't ang taglay mong tulis
ay bulagin ako't sugatan ang dibdib.
Kung dahil sa iyo'y aking tutulungan
ang nagsisilait sa dangal ng Bayan
manong mawala ka sa kinalalagyan
at nang di na kita magawang pumaslang!
|